Ako ay isang simpleng tao lamang. Marunong tumawa, marunong magalit at may mga sikreto. Madali ako masaktan, lalo na sa pag-ibig.
Malayo ang pinanggalingan ko. Marami na rin akong naranasan. Marami din ang mga pangarap ko. Malakas din ang loob kahit na nahihirapan.
Hindi ako mayaman. Mahirap lang ang pamilya ko. Sa katunayan, galing talaga ako sa probinsya at doon ako lumaki. Nandito lamang ako sa Manila para mag-aral, para makatulong sa aking ina. Sa aking inang hindi ko man lang makausap at makita, dahil sa kahirapan ng buhay.
Ito ang kwento ng aking buhay. Sa pamamagitan nito, nakakahinga ang pakiramdam ko. Lalo na wala ako masyadong kaibigan at hindi rin ako madalas makipag-usap sa tao.
No comments:
Post a Comment